DSWD, nangangailangan ng volunteers para mag-repack ng food packs na ihahatid sa mga apektado ng bagyong Aghon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang volunteers para tumulong sa repacking ng mga family food packs na ihahatid sa mga biktima ng bagyong Aghon.

Sa inilabas na abiso ng DSWD, partikular na nananawagan ito ng volunteers sa kanilang repacking center sa DSWD-National Resource Operations Center, na matatagpuan sa Chapel Road, Brgy. 195, Pasay City.

Para sa mga interesadong indibidwal o grupong nais maglaan ng kanilang oras, kinakailangan lamang na makipag-ugnayan sa numerong 0915 292 1875.

Pinapayuhan din ang mga magvo-volunteer na magsuot ng kumportableng damit, sapatos, at sariling water bottle. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us