Tinitiyak ng DSWD Region 2 ang kahandaan at kasapatan ng resources nito sa pagtugon sa posibleng maaapektuhan ng Bagyong Aghon sa lambak-Cagayan.
Base sa datos, umaabot sa halos ₱140 million ang halaga ng food and non-food items na naipwesto sa kanilang mga bodega sa limang lalawigan at maging yaong mga naka-preposition sa mga LGU.
Nasa 66,734 na family food packs ang handang maipamahagi at maidagdag sa suplay ng mga LGU, habang nasa 14,591 naman ang non-food items, gaya na lamang ng family kits, sleeping kits, hygiene kits, kitchen kits at iba pang kakailanganin ng mga posibleng maaapektuhang pamilya.
May naihanda namang mahigit ₱4.3 million na standby fund para sa emergency purchases.
Una na ring nakibahagi sa pagpupulong sa kanilang central office ang field office 2 kung saan pinatiyak ang kahandaan ng resources at mga istratehiya ng ahensiya para sa disaster response operations. | ulat ni April Racho | RP1 Tuguegarao