Positibo si Trade Secretary Alfredo Pascual sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya ng bansa matapos ang ilang sunod-sunod na pagpasok ng pamumuhunan sa Pilipinas.
Ito ang naging pahayag ng Kalihim sa Qatar Business Economic Forum matapos magbigay ng talumpati sa naturang business event sa nabanggit na bansa.
Aniy, isa na ngayon ang Pilipinas sa may pinakamagandang lagay ng ekonomiya sa South East Asia matapos magbigay ng intensyon na mamumuhunan sa Pilipinas ang ilang mga malalaking bansa.
Ibinida rin ng Kalihim ang mga flagship project ng pamahalaan tulad ng ‘Build Better More’ program na layong mas palakasin ang infrastructure sector ng Pilipinas kabilang na ang pagpapalakas sa sektor ng transportasyon at ang paduruktong-duktong ng economic hubs sa bansa.
Sa huli, positibo naman si Pascual na mas maraming negosyante pa mula sa Qatar ang mahihikayat na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa pagsasaayos ng mga polisya na tiyak na magugustuhan ng mga dayuhan. | ulat ni AJ Ignacio
📷: DTI