Hinikayat ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual ang Qatar Cool (QC), ang pinakamalaking provider ng district cooling system sa naturang bansa na tingnan ang mga maaaring mga oportunidad nito sa pamumuhunan dito sa Pilipinas.
Sa isang pulong kasama ang mga pinuno ng QC, binigyang-diin ni Sec. Pascual ang kahalagahan ng mga energy-efficient projects para makamit ang mga sustainability goals ng bansa.
Ang district cooling systems ng QC kasi ay nag-aalok ng mas cost-effective at energy-efficient na sistema na alternatibo sa tradisyunal na air conditioning system na maaaring makatulong sa oagbaba ng energy consumption ng Pilipinas pagsapit ng 2030.
Hinimok din ng DTI Chief ang QC na isaalang-alang ng QC ang mga high-density areas na nasa labas ng Metro Manila at binigyang-diin ang lumalaking pangangailangan nito mula sa IT at business process management sectors.
Maliban sa district cooling, ilang oportunidad para sa proyekto ang mga large-scale infra projects tulad ng New Manila at Ninoy Aquino International Airport na kailangan ng sufficient cooling.
Handa naman ang gobyerno ng Pilipinas at mga relevant stakeholder na suportahan ang QC sa pamamagitan ng iba’ibang isentibo para sa pag-explore nito ng merkado dito sa bansa. | ulat ni EJ Lazaro