Ipagpapatuloy ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang kampanya sa pagsugpo at pagkumpiska ng ipinagbabawal na vape products sa ating bansa.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, nagpapatuloy ang kanilang kooperasyon sa Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng operasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa, upang matigil na ang pagpasok ng mga unregistered vape products sa bansa.
Dagdag pa ni Pascual, na nais din makontrol ng DTI ang mga pumapasok na kontrabando ng ipinagbabawal na vape product sa mercado, na hindi dumadaan sa kaukulang inspeksyon mula sa kanilang tanggapan.
Samantala, nakatakda namnag ipatupad ng DTI sa susunod na buwan ang certification ng vape products mula sa Philippine National Standards upang mapahintulutang ibenta ang mga ito sa mercado, at ang sinumang walang permit na magbebenta nito ay agaran kukumpiskahin ang kanilang mga produkto. | ulat ni AJ Ignacio