Naglabas ng abiso ang Department of Trade and Industry (DTI) sa business establishments sa inilabas nilang price freeze sa ilang lungsod at bayan sa bansa hinggil sa patuloy na pananalasa ng El Niño.

Sa inlabas ng DTI na Price Freeze Advisory kabilang ang bayan ng Quezon at Kibawe sa Bukidnon, bayan ng Lantawan sa Basilan, Bayan ng Matanog, Datu Blah Sinsuat, Buldon UPI, at Sultan Masutra kabuntalan sa Maguindanao del Norte.

Kabilang din ang buong probinsya ng Maguindanao del Sur, lalawigan ng Basilan, at lalawigan ng Biliran.

Tatagal ang naturang price freeze sa loob ng 60 araw at nakadepende ito kung ili-lift ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at depende na rin sa magiging sitwasyon sa nasabing mga bayan. | ulat ni AJ Ignacio
