Nanawagan ang Department of Trade and Industry sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na irehistro ang kanilang mga produkto sa Intelectual Property Office upang hindi manakaw ang kanilang mga talento at kaalaman sa kanilang product innovations.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, mahalaga na maging patent ang kanilang produkto lalo na’t ngayon ay marami nang namemeke ng produkto sa merkado.
Dagdag pa ni Pascual na nakahanda ang DTI na makipagtulungan sa mga negosyante upang maging patented ang kanilang mga produkto.
Sa huli muling siniguro ni Pascual na mas papaigtingin din nila ang panghuhuli ng mga pekeng produkto upang maprotektahan ang MSMEs sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio