DTI Sec. Pascual, nakipagpulong sa manufacturers upang magkaroon ng voluntary prize freeze sa mga presyo ng pangunahing bilihin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mapanatili ang kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong panahon ng El Niño.

Nakipagpulong si Trade Secretary Alfredo Pascual sa mga food manufacturer sa bansa upang magkaroon ng inisyatibo ang mga ito sa prize freeze sa iba’t ibang bayan at lungsod sa bansa, na patuloy na naaapektuhan ng El Niño sa bansa.

Pinulong ng kalihim ang ilang malalaking food manufacturers gaya ng Monde Nissin Corporation, Unilever Philippines, Inc.; Coca-Cola Beverages Philippines, Universal Robina Corporation, Nestle Philippines Inc., Procter and Gamble Philippines, Inc.; Century Pacific Food Inc., Alaska Milk Corporation, CDO Foodsphere, Nutri Asia, SM Supermarket, and Robinsons Supermarket upang makaisa sa panawagan ng Department of Trade and Industry na huwag muna magtaas ng presyo ngayong panahon ng tag tuyot sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Pascual, layon ng nasabing pagpupulong na hikayatin ang mga ito na makiisa sa government action upang mai-stable ang mga presyo ng prime commodities sa bansa, at magkaroon ng mas abot-kayang pagkain ang mga Pilipino.

Dagdag pa ng kalihim, na bukod sa mga consumer ay isa rin sa iniisip ng DTI ang pagkakaroon ng proteksyon sa retailers upang mas maihatid sa kanila ang abot-kayang produkto, at hindi maaapektuhan ang kani-kanilang mga negosyo.

Sa huli, hangad naman ng DTI na hindi lang maramdaman ang prize freeze sa ilang bahagi ng bansa maging sa buong Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us