Suportado ng mga mambabatas ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangan pagbutihin at palakasin pa ang higher education.
Matatandaan na sa ginanap na National Higher Education Day Summit, sinabi ni PBBM na marami pa pong kailangan gawin partikular sa higher education sector.
Ito’y matapos walang Philippine university ang makapasok sa 100 Times Higher Education 2024 Asia university rankings.
Katunayan ang Ateneo de Manila University na nasa 84th place noong nakaraang taon ay bumagsak sa 401-500 bracket.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ito ang dahilan kung bakit isinusulong ang pagbubukas ng higher education sa foreign ownership sa ilalom ng economic charter change maliban sa pagdaragdag ng pondo.
Giit ni Adiong panahon nang buksan ang bansa sa foreign ownership ng mga unibersidad upang makapag ambag din ito ng dagdag na kaalaman at benepisyo para sa ating education system at makasabay sa kalidad ng edukasyon sa ibang mga bansa.
“It vindicated the concern of the House of Representatives to really push for the entry of our foreign ownership in the country and so far, as putting up universities in this country so that we may also take hold and avail and capitalized on the possible benefits that it would give us in terms of our higher education system…sabi ko nga, opportunity dapat yung nag karoon tayo ng discussion about chacha na ito, itong survey na ito it vindicated us na kailangan talaga, na its time really to take hold of the opportunities that is being enjoyed in other countries in Asia in terms of the education quality of their country,” paliwanag ni Adiong.| ulat ni Kathleen Forbes