Ikinatuwa ng economic team ng pamahalaan ang ulat ng National Economic Development Authority o NEDA na tumaas ang Gross Domestic Product ng Pilipinas sa First Quarter ng 2024.
Ayon kay Sec. Aminah Pangandaman ng Department of Budget and Management, patunay lamang ito na gumagana ang lahat ng mga programa ng gobyerno.
Ang pagtaas sa 5.7 mula sa 5.6% ay resulta ng pinagsama-samang pagsisikap ng gobyerno at taumbayan para mapalago ang ekonomiya ng bansa.
Dahil sa pagtaas ng GDP, patuloy na isusulong ng economic team ang 2023-2028 na Philippine Development Plan upang maabot ang single digit na poverty rate.
Tuloy din daw ang pagpapatupad ng maraming mga nakalinyang proyekto ng gobyerno na makakalikha ng maraming trabaho.
Ipinanawagan din niya sa Kongreso na madaliin ang panukalang pag-amyenda sa Procurement Reform Act upang bumilis ang proseso ng mga proyekto ng pamahalaan.
Sa huli, tiniyak ng DBM ang patuloy na programang whole government approach sa pagbaba sa mga rehiyon at lalawigan para ma tupad ang pangarap ni Pang. Bongbong Marcos Jr na Bagong Pilipinas. | ulat ni Michael Rogas