Nagsagawa ng Emergency Meeting kahapon, May 24 ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Camarines Sur bilang bahagi ng paghahanda para sa bagyong Aghon.
Lumahok sa nasabing pagtitipon ang mga miyembro ng PDRRMC Camarines Sur gayundin ang mga kinatawan mula sa local Disaster Risk Reduction and Management Offices sa lalawigan.
Kabilang sa mga natalakay sa meeting ay ang mga paghahanda ng iba’t ibang mga ahensya at ng mga local DRRMOs sa bagyong Aghon.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa lalawigan ng Camarines Sur.
Samantala, ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Bicol ay nagsagawa na rin ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) dahil sa nasabing bagyo. | ulat ni Vanessa Nieva | RP1 Naga