Suportado ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa nilagdaang Executive Order No. 59 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Layon ng naturang kautusan na pabilisin ang pagpapatupad ng Infrastructure Flagship Projects (IFPs) ng pamahalaan.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, makatutulong ang EO 59 sa pagpapabuti ng infrastructure sector ng Pilipinas na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028.
Binigyang diin din ng kalihim na dahil aniya sa EO 59, mapapaiksi na ang proseso ng mga ahensya sa pagpapatupad mga infrastructure project at makakahikayat pa ng mas maraming investors.
Ani Balisacan, ang naturang hakbang ay nagpapakita ng commitment ng Marcos administration upang pagbutihin ang infrastructure sector na susi sa social at economic transformation sa bansa.| ulat ni Diane Lear