Paiigtingin ng pamahalaan ang panghihikayat ng mas maraming mamumuhunan sa sektor ng enerhiya upang maging epektibo at episyente ang paghahatid ng serbisyo sa sambayanang Pilipino.
Ito’y makaraang lumagda ng kasunduan ang Energy Regulatory Commission (ERC) gayundin ang Board of Investments (BoI) sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement.
Ayon kay ERC Chairperson, Atty. Monalisa Dimalanta, malaki ang mai-aambag ng naturang kasunduan para sa pagkakaroon ng isang positibong business climate sa bansa.
Sa panig naman ni BOI Investments Assistance Center Executive Director Bobby Fondevilla, kinakailangan ang naturang kasunduan upang magampanan ng magkabilang panig ang kanilang mandato na magbigay ng dekalidad na enerhiya para sa mga Pilipino.
Naka-angkla aniya ito sa panuntunan ng pamahalaan na pagandahin ang klima ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng mabilis na pakikipagtransaksyon at nagkakaisang hakbang ng pamahalaan para matugunan ang mga kinahaharap na hamon. | ulat ni Jaymark Dagala