Espesyal na kagamitan at software, kailangan ng Navy at Coast Guard para protektahan ang nga komunikasyon sa karagatan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangan mapaglaanan ng makabagong kagamitan ang Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) upang maprotektahan ang kanilang mga komonikasyon sa karagatan.

Ayon kay Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores, sa pamamagitan ng special equipment at software na ito ay hindi maiintindihan ng ibang mga barko ang usapan ng Navy at PCG.

Hindi kasi aniya malayo na mino-monitor ng China ang mga ship-to-ship communications ng ating bansa.

Inihalimbawa pa nito ang pagbuntot ng Chinese Navy ships sa mga barko ng Pilipinas, Amerika, at France na bahagi ng Balikatan Exercises.

Sa ganitong paraan aniya ay maiiwasan ang pagkuha ng mga intel sa ating mga sasakyang pandagat. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us