Nakipag courtesy call ang European Union Business Council kay Trade Secretary Alfredo Pascual upang pag-usapan ang ilang business opportunities sa Pilipinas.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, isa sa naging paksa sa naturang pagpupulong ay kung papaano makakatulong ang EU Business Council sa pagpapaangat ng ekonomiya sa Pilipinas pagdating sa mga businiess oportunities at investment sa bansa.
Kabilang din sa pinag-usapan ay ang nauna nang napag-usapang EU ABC Trade Mission nitong nakaraang taon.
Sa huli, nagpasalamat si Secretary Pascual sa patuloy na pagsuporta at pagkunsidera ng EU sa Pilipinas bilang investment hub ng nito.| ulat ni AJ Ignacio