Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa average farmgate price ng palay sa nitong buwan ng Abril.
Ayon sa PSA, umabot sa ₱24.52 ang kada kilo ng palay mula sa ₱24.55 na kada kilo noong Marso.
Gayunman, mas mataas pa rin ito kung ikukumpara sa ₱18.79 kada kilo na palay farmgate price noong Abril ng 2023.
Sa mga rehiyon, sa Region 1 pa rin o Ilocos Region ang may pinakamataas na farmgate price ng palay na umabot sa ₱27.98 ang kada kilo.
Habang ang pinakamababa naman ay naitala sa Eastern Visayas sa ₱19.78 kada kilo.
Una nang ini-report ng PSA na bahagyang bumaba rin ang wholesale price ng bigas nitong abril kabilang ang regular, well-milled pati na ng premium at special rice.
Batay naman sa monitoring ng bantay presyo as of May 14, naglalaro sa ₱48 ang kada kilo ng regular milled rice, ₱51 naman sa well milled habang naglalaro sa ₱50-₱57 ang kada kilo ng premium at special rice. | ulat ni Merry Ann Bastasa