Inilunsad ng United States Agency for International Development at Commission on Higher Education (CHED) ang isang Fellowship program para sa Education Officials ng Pilipinas.
Ang Higher Education Innovation Leaders Fellowship Program ay bahagi ng limang-taong na United States-Philippines Partnership for Skills, Innovation, and Life-long Learning (UPSKILL) initiative, na nagkakahalag ng 1.5 bilyong piso.
Ang memorandum of agreement para sa fellowship program ay nilagdaan ni USAID Philippines Mission Director Ryan Washburn at CHED Chairman J. Prospero De Vera III noong Mayo 13.
Ayon kay Washburn ang fellowship program ay pamumuhunan sa pag-develop ng mga lider sa sektor ng edukasyon na magpapalakas sa sistema ng mataas na pag-aaral sa bansa.
Ang unang batch ng mga kalahok sa Fellowship program ay kinabibilangan ng 16 na matataas na opisyal mula sa CHED at iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Sila’y sasailalim sa 8-buwan na pagsasanay na kinatatampukan ng isang linggong immersion program sa Arizona State University. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of U.S. Embassy