Filipino community, masaya sa naging pagbisita ni Pres. Marcos Jr. sa Brunei

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi magkamayaw ang mga Pilipino sa Brunei nang makita ng personal at makadaupang palad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang Filcom event.

Sa mga dumalo sa nabanggit na pagtitipon, ay naging mainit ang pagtanggap ng mga kababayan natin sa Brunei sa Punong Ehekutibo, First Lady Liza Araneta Marcos, at sa kasama nitong delegasyon.

Kaalinsabay sa ipinakitang warm welcome ng mga OFW sa Brunei sa Pangulo, ay mababakas rin ang kasiyahang makita nila ng personal ang Pangulo.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas sa ilan nating mga kababayan na nakibahagi sa Filcom event ay nanawagan ang mga ito sa mga kababayan din natin ng suporta para sa liderato ni Pangulong Marcos na anila ay maayos naman sa halip na pairalin ang pagsisiraan.

Kuntento din sila sa mga pagbabagong ginawa ni Pangulong Marcos Jr. lalo na para sa kapakanan nilang mga OFW. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us