Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas at walang nasaktan sa 23 Filipino crewmen na inatake ng drone ng Houthi rebels kahapon.
Sa ulat ng DMW, bahagyang napinsala ang sinasakyang barko ng Pinoy crewmen matapos ang drone attack habang naglalayag malapit sa Yemeni port city ng Hodeida.
Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin sa paglalayag ang sasakyang pandagat sa kanilang destinasyon.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang DMW sa international maritime authorities, shipping companies, at local manning agencies.
Nais nitong alamin ang status ng mga manggagawang pinoy na patuloy na nakakaranas ng panganib habang ang kanilang sinasakyang barko ay dumaraan sa Red Sea at sa Gulf of Aden. | ulat ni Rey Ferrer