Binasag na ng negosyante at Filipino-Indian Philanthropist na si Manjinder “James” Kumar ang pananahimik sa sunod-sunod na mga banat sa kanya ng Vlogger na si Maharlika.
Sa pamamagitan ng legal counsel ni Kumar, sinabi ni si Atty. Cherry Anne Dela Cruz na ang lahat ng mga gawa-gawang kaso na isiinampa laban sa kanyang kliyente ay isa-isa nang nadismis sa korte.
Kabilang sa mga ito ay ang akusasyon ng umanoy pagiging Mafia Leader na sangkot daw sa Kidnap For Ransom, Carnapping, Murder, Human Trafficking at Illegal Drugs.
Ginawang halimbawa ni Atty Dela Cruz ang isa sa mga kasong Forcible Abduction With Rape na Inihain sa Pasay City laban kay Kumar at kanyang magulang at tatlong iba pa pero kalaunan ay binawi mismo ng umanoy Rape Victim dahil ito daw ay utos ng kanyang mismong boyfriend.
Sabi ni Atty. Dela Cruz, kapansin-pansin na sa lahat nang kaso ay palihim na itinatago sa pamamagitan ng mali-maling address para mapigilang nakadalo at hindi makasagot ang kanyang mga abugado para makapagpalabas ng Arrest Warrant ang Korte.
Ang address na Number 533 Jeklura/jekdura Street, Pasay City ay isang gawa-gawang address na batay sa sertipikasyon ng City Planning & Development Office ng Pasay City ay hindi nagtutugma saanman sa Lungsod.
Sa statement ni Kumar, iginiit ng negosyante na isa siyang matino at maayos na Leader ng mga Indian Community sa bansa na sinisikap na makatulong hindi lang sa Kkaniyang mga kababayan kungdi naging sa mga Pilipino.
Umaapela si Kumar sa mga mambabatas na dapat ay magkaroon na ng batas para mapanagot ang nga vlogger na iresponsableng naglalabas ng mga akusasyon at ginagamit ang social media bilang sandata ng malayang paninira laban sa sinumang indibidwal.
Samantala, humaharap ngayon ang abugado ni Kumar sa muling pagdinig ng Senado tungkol sa umanoy PDEA Leaks ngayong Alaraw. | ulat ni Michael Rogas