Bukas si Finance Secretary Ralph Recto sa panukalang bawasan ang taripa ng bigas bilang suporta na maibaba ang presyo nito.
Sa panayam kay Recto, sinabi nito na maaring tapyasan ang rice tariff at gawin itong 17.5 percent kumpara sa dating 35 percent.
Hindi naman pabor si Recto na gawing zero ang taripa sa rice imports.
Paliwanag ng kalihim na ito’y upang magkaroon ng balance sa pagitan ng mga magsasaka at mga consumers kaya mas mainam anya na idivide ang taripa.
Maaring bumaba ng 20 percent ang retail price ng bigas kung magkakaroon ng reduced tariffs at mas mataas na local production.
Samantala, ipinauubaya naman ng kalihim sa Department of Agriculture ang pagpapasya sa tarrif rate.
Ayon sa Finance Chief, maaring mag issue ang Malacanang ng Executive Order ngayong na recess ang Kongreso. | ulat ni Melany V. Reyes