Umaasa si Finance Secretary Ralph Recto sa patuloy na pagtaas ng revenue collection and dividend contribution ng gobyerno sa mga susunod pang buwan at taon upang mapondohan ang mga priority programs ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng ginawang GOCC day kung saan iniremit ng mga Government Owned and Controled Corporation ang ₱88.6-billion na dibidendo sa gobyerno.
Ipinagmalaki din ng kalihim ang mataas na koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagkakahalaga ng ₱912.9-billion at ang ₱295.2-billion na koleksyon mula sa Bureau of Customs.
Ayon kay Recto, kung magpapatuloy ang trend na mataas na koleksyon mula sa tax at non-tax revenues, hindi na kailangan pang magdagdag ng utang ng bansa para pondohan ang mga programa at proyekto ng gobyerno.
Ang mataas na dibidendo mula sa mga GOCCs at revenue collection ay higit sa nakamit sa parehas na mga buwan noong nakaraang taong 2023.
Tiniyak din ng kalihim ang commitment ng pamahalaan na mapupunta sa pagpapahusay ng farm-to-market roads, silid-aralan, irigasyon, at tulong upang madagdagan ang buhay ng mga kababayan nating may malubhang sakit ang dibidendo mula sa mga GOCC. | ulat ni Melany Valdoz Reyes