Fishing ban ng China sa WPS, di kinikilala ng Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi kinikilala ng Philippine Navy ang pagdedeklara ng China na Fishing ban sa West Philippine Sea na sumasaklaw sa ilang bahagi ng karagatan sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, ang deklarasyon na isang “provocative statement” ng China ay hindi makakapigil sa Phil. Navy para gampanan ang kanilang mandato na pangalagaan ang mga Pilipino sa karagatan o sa lupa.

Ang pahayag ay ginawa ng opisyal nang hingan ng mensahe para sa mga Pilipinong mangingisda na maaaring nababahala sa naturang fishing ban ng China, na naging epektibo noong Mayo 1 at tatagal hanggang Setyembre 16.

Sinabi ni Trinidad, na dinagdagan ng Philippine Navy ang kanilang mga patrol sa Bajo de Masinloc at sa mga isla sa Hilagang bahagi ng bansa.

Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa militar na tutukan ang panlabas na depensa ng bansa, at sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept na isinusulong ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, para i-secure ang teritoryo at exclusive economic zone ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us