Gamit sa paggawa ng IEDs ng NPA, narekober sa Gattaran, Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Narekober ng mga awtoridad ang iba’t ibang gamit sa paggawa ng pampasabog na umano’y pag-aari ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Gattaran, Cagayan.

Sa pinaigting na combat operations at ang pagtatalaga ng Mobile Community Support Sustainment Team na binubuo ng 86th Infantry Battalion at 17th Infantry Battalion, kasama pa ang iba’t ibang unit ng PNP, nadiskubre mga gamit sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED) sa Sitio Anipan, Brgy Mabuno.

Kabilang sa mga nadiskubre ay isang Live Grenade Rifle, M76 na may bull trap, isang bote ng ammonium nitrate fuel oil na may commercial detonating cord, isang battery ng motorsiklo, kalahating kilo ng ammonium nitrate, isang pang litro ng gasolina, isang Electric blasting cap, isang toggle switch na may baterya at snap alligator clip, limang metro ng automotive wire, maging ng set ng first aid kit.

Nabatid na ang mga kagamitang ito ay maaaring makapaminsala, maghasik ng takot, at makapahamak pa ng mga residente sa lugar.

Kaugnay nito, pinuri ni 502nd Infantry Brigade Commander BGen. Eugene Mata ang mga residente sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad na isang indikasyon, aniya, na wala nang puwang ang terorismo sa kanilang nasasakupan at ang mga ito ay hindi na katanggap-tangap sa lugar, na dating taguan at malayang dinadaanan ng mga makakaliwang grupo.

Kasabay nito ay nanawagan pa ang opisyal sa mga natitirang miyembro ng Komiteng Rehiyon, Cagayan Valley na magbalik-loob na sa gobyerno nang tuluyan nang mawakasan ang paghahasik ng terorismo sa lalawigan, maging sa buong lambak-Cagayan.| ulat ni April Racho| RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us