Generation companies, pinuna sa Kamara dahil sa mga di planado o emergency outages

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natukoy na ang mga generation company ang dahilan ng serye ng red at yellow alerts sa power grids sa bansa mula pa noong 2016 hanggang 2023.

Sa naging presentasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa House Committee on Energy, tinukoy na 226 sa 234 na system yellow at red alerts ay bunsod ng generation issue tulad ng hindi planado o emergency shutdown.

Katunayan, nang isailalim sa yellow at red alert ang Luzon at Visayas noong April 16, 90 percent ng power plants ang naka unplanned shutdown habang 10% ang planado.

Walo sa power plants sa Luzon ang may planned shutdown, 30 ang hindi planado, habang tatlo ay operated sa “derated capacity.”

Habang ang Visayas naman, may 10 planned shutdown, 17 ang unplanned, at tatlo ang derated.

Nakuwestyon tuloy ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, chair ng komite, kung mayroon bang kumikita sa pagkakaroon ng red at yellow alerts lalo at dekada na itong problema, at taon-taon na lang ding dinidinig ng komite.

Dagdag pa ng mambabatas, na dapat ay may mapanagot ang DOE sa mga planta na bigong makapagbigay ng required na output.

Sabi naman ni Bas Umali ng Kuryente.org (kuryente dot org) na dapat ay may plano ang DOE at Energy Regulatory Commission (ERC) ukol dito dahil hindi naman maaaring iasa na lang ito parati sa pagtitipid ng kuryente ng mga consumer. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us