Gobyerno, nakatutok sa pagkontra sa epekto ng El Niño sa food security habang pinaghahandaan ang epekto ng La Niña

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na “hands on” ang pamahalaan sa pagkontra ng epekto ng El Niño sa seguridad ng pagkain habang pinaghahanadaan ang posibleng banta ng La Niña.

Ayon kay Recto, mahigpit na mino-monitor ng Department of Finance (DOF) ang mga development sa food inflation partikular ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin.

Sinabi ng kalihim, patuloy ang kanilang koordinasyon sa Department of Agriculture upang mapabilis ang pagpapatupad ng intervention sa pagtitiyak ng suplay at pagpapahusay ng agriculture production.

Aniya, patuloy na naghahanap ng paraan ang Inter-Agency Committee on Inflation ang Market Outlook upang tugunan ang tumataas na presyo ng pagkain na siyang nagsisilbing upward pressure ng inflation.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng paglabas ng April inflation, kung saan naitala ang 3.8 percent na pasok pa rin sa target range ng economic managers sa kabila ng matinding epekto ng El Niño at iba pang external challenges sa ekonomiya. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us