Nakapagtala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) 18.54% increase sa Gross Gaming Revenues nito para sa unang quarter ng 2024 kung saan pumalo ito sa Php81.70 billion, mula sa dating Php68.92 billion noong nakaraang taon sa kaparehong quarter.
Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco na patuloy ang record breaking performance ng Electronic Games (E-Games) sector kung saan nakapagtala ito ng Php22.5 billion na mas malaking di hamak sa 2023 first quarter revenues of Php3.5 billion.
Paliwanag ni Tengco na isa ang magandang performance ng e-games sa nagpapakita kung paano naiimpluwensyahan ng pagkalat ng mobile devices, hindi lang ang pang araw-araw na buhay ng tao kundi maging ang pamimili nito pagdating sa kanilang entertainment.
Malaki rin ani Tengco ang naitulong sa magandang performance ng PAGCOR ang improved regulatory policies nito at ang reduced fees.
Kinilala naman ng PAGCOR ang biggest contributor nito sa 1Q GGR ay nanatiling mga licensed casino sa bansa na nakapagtala ng Php49.7 billion.
Bagamat ito aniya ay mas mababa sa PhpPhp54.15 billion year-on-year record.
Ang target ng PAGCOR para sa buong taon ay Php336 billion at nasa 24% ang naiambag ng unang quarter dito kung saan kadalasan ay tumataas ang gaming revenues tuwing the last quarter ng taon.| ulat ni Lorenz Tanjoco