Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng nasa ₱1.7-billion na halaga ng emergency loans para sa mga miyembro nito na naapektuhan ng rabies at El Niño sa 13 lugar sa bansa.
Ayon sa GSIS, maaring makahiram ng nasa ₱20,000 na loan ang mga magiging kwalipikado sa naturang emergency loan program.
Tanging mga lugar lamang ng Catbalogan City sa Western Samar; Cordova, Naga City, at Toledo City sa Cebu; Iloilo City, Buenavista sa Guimaras; Bayawan City at Sta. Catalina sa Negros Oriental; Antique, Basilan, at Datu Piang, Sultan sa Barongis sa Maguindanao Del Sur, at mula sa Buenavista.
Sa mga nais mag-avail ng naturang programa ay magtungo lamang sa pinakamalapit na GSIS office para mag-apply ng naturang emergency loan. | ulat ni AJ Ignacio