Umabot na sa P57.5 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at mga pangisdaan dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabilang sa mga napinsala ang 1,995 metriko toneladang palay, mais, at high value crops, at 165 na mga hayop sa CALABARZON at MIMAROPA.
Napinsala rin ang mga pasilidad pang-agrikultura sa CALABARZON na nagkakahalaga ng P965,000.
Kaugnay nito, naglaan ang DA ng P23 milyong halaga ng tulong sa mahigit 1,000 mga magsasaka sa mga apektadong rehiyon.
Kabilang sa mga tulong na ibibigay ng DA ang mga binhi, planting materials, bio-control measures, SURE Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. | ulat ni Diane Lear