Sa kabila ng hamon ng El Niño ay nananatiling matatag ang sektor ng pagsasaka at pangisdaan sa bansa.
Batay sa ulat ng PSA, lumago ng 0.5% ang production output ng sektor na may katumbas na overall agri production output na P428.99 bilyon.
Sa tala rin ng PSA, umangat ng 5.9% ang poultry production na umabot sa P68.76 bilyon na siyang nagbalanse sa pagbaba ng halaga ng produksyon sa mga pananim, at livestock.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., indikasyon ito na epekto ang mga inilatag na intervention ng pamahalaan para sa mga magsasaka at mangingsida.
Kumpiyansa rin ang kalihim na kahit magpatuloy ang epekto ng El Niño sa ikalawang quarter ng taon ay makakaya pa ring makabawi ng agriculture sector. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DA