Health facilities, nakahanda na sakaling magkaroon ng surge ng COVID-19 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na kayang asikasuhin ng health facilities ang mga pasyente sakaling magkaroon ng pagtaas sa kaso ng bagong variant ng COVID-19. 

Ayon kay Health Spokesperson Dr. Albert Domingo, alam na ng mga hospitals sa bansa ang mga gagawin kung muling tumaas ang mga mahahawaan ng virus. 

Ang pahayag ay ginawa ng DOH sa kabila ng naitalang bagong variant ng COVID-19 na kung tawagin ay FLiRT o KP.2 at KP.3.

Ang naturang variant ay natukoy na nagmula sa Singapore kung saan maraming bansa na ang mayroon nito. 

Hinihikayat ng DOH ang publiko na magkaroon ng self discipline tulad ng tamang pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa matataong lugar, at tamang health medication.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us