Higit ₱442-M ayuda, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa higit ₱442-milyong halaga ng ayuda ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng El Niño Phenomenon.

Kabilang sa naipamahaging tulong ng ahensya ang mga food pack pati na ang cash for work, at training.

Sa kasalukuyan, umakyat pa sa 1.2 milyong pamilya o katumbas ng higit 4.8 milyong indibidwal ang naitalang apektado ng tagtuyot.

Una na ring tiniyak ng DSWD na sapat ang pondo nito sakaling mangailangan pa ng karagdagang tulong ang mga apektado ng El Niño.

Katunayan, aabot pa sa higit tatlong bilyon ang available relief resources nito kabilang ang standby funds at stockpile. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us