Mahigit isang milyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries ang na-authenticate na ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Hanggang Mayo 8, 2024, may kabuuang 1,010,464 na 4Ps beneficiaries ang matagumpay na na-verify sa pamamagitan ng National ID.
Sa panahon ng Family Development Sessions, ang mga benepisyaryo ay sumasailalim sa fingerprint scanning na itinutugma sa National ID registry para sa identity verification.
Pinasalamatan ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General ang DSWD sa pakikipagtulungan sa PSA.
Bukod sa biometric authentication services, nag-aalok din ang PSA ng iba pang serbisyo ng National ID sa 4Ps benwficiaries at kanilang mga miyembro ng pamilya sa panahon ng FDS.
Kabilang dito ang pagpaparehistro at pagpapalabas ng ePhilID, na may parehong functionality at validity gaya ng pisikal na card.| ulat ni Rey Ferrer