Higit 1,900 na atleta mula sa tatlong rehiyon ng Visayas ang magpapakitang gilas sa Visayas Leg ng Philippine ROTC Games na binuksan ngayong Mayo 26 sa Panaad Park and Stadium sa Bacolod City, Negros Occidental.
Ayon sa Carlos Hilado Memorial State University, ang host school ng Philippine ROTC Games Visayas Leg, may 1,938 na kadete ng ROTC ang kwalipikado upang maglaro sa iba’t ibang sporting events na idadaos sa iba’t ibang lungsod ng Negros Occidental.
Kabilang sa kanilang paglalabanan ang aquatics o swimming, athletics, basketball, boxing, chess, e-sports, kickboxing, sepak takraw, taekwondo, table tennis, volleyball.
Bukod dito, magakakaroon din ng Target Shooting, Raiders Competition at Miss ROTC 2024.
Ang pagbubukas ng Philippine ROTC Games Visayas Leg ay pinangunahan ni Senator Francis Tolentino.
Tatagal hanggang sa susunod na Sabado, Hunyo 1 ang nasabing aktibidad. | ulat ni JP Hervas | RP1 Iloilo