Kinumpirma ng Civil Service Commission (CSC) na umabot sa 57,683 na mga kumuha ng pagsusulit ang nakapasa sa March 2024 Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT).
Katumbas ito ng 17.24% ng kabuuang bilang ng examinees noong Marso.
Mula sa 297,952 na kumuha ng CSE Professional Level, 51,311 ang matagumpay na nakapasa habang 6,372 din ang nakapasa mula sa 37,433 na kumuha ng Subprofessional Level.
Binati naman ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang lahat ng nakapasa.
Aniya, umaasa itong mananatili ang determinasyon at sipag ng mga ito sa pagpasok sa serbisyo publiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa