Sinisikap pa ng Department of Agrarian Reform na pabibilisin ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga agrarian reform beneficiaries sa buong bansa.
Batay sa huling datos ng DAR, kabuuang 15,000 ektarya ng lupa ang naipamigay na sa mahigit 9,000 ARBs
Katumbas ito ng 63 porsiyento ng 23,000 ektarya na target na ipamamahagi ng DAR para sa 2024.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella iii, marami pang lupang agrikultural sa bansa na dapat taniman at ipamahagi.
Kahapon, muling namahagi ng Certificates of Land Ownership Award ang DAR sa mga ARB sa Central Visayas at Eastern Visayas na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.
Ang pamamahagi ng lupain ay ginawa sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project, na ipinatutupad ng DAR. | ulat ni Rey ferrer