Panibagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers o TUPAD ang tumanggap ng payout sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.
Pinangunahan ng Public Employment Services Office (PESO) ang isinagawang payout ng programa mula sa pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Isinagawa ang payout sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Kabilang sa mga tumanggap na benepisyaryo ang 593 miyembro ng Kalipunan ng Lahing Pilipina (KALIPI), 199 na magulang ng mga natukoy na child laborer, at 164 magsasaka.
Tumanggap ang mga ito ng tig-P4,350 sahod mula sa 10 araw nilang paglilinis sa kanilang barangay.
Layunin ng programang TUPAD na magbigay ng emergency employment sa mamamayan na walang hanapbuhay upang magkaroon ng karagdagang kita na panustos sa kanilang pangangailangan. | ulat ni Sarah Cayabyab | RP Dagupan
📷: LGU Bayambang