Higit P68-M halaga ng illegal drugs nasabat sa Pasay City, apat pang drug personality naaresto – PDEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa P68,350,200 ang halaga ng illegal drugs na nasabat ng mga tauhan ng NAIA -Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa isinagawang anti-drug operations sa Pasay City.

Kasabay nito ang pagkaaresto ng mga otoridad sa apat na drug personality.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office National Capital Region, nangyari ang operasyon sa Mail Exchange Center (CMEC) Domestic Road, sa nasabing lungsod.

Galing ang shipment sa bansang Netherlands na naglalaman ng humigit-kumulang 40,200 piraso ng Ecstasy na nakalagay sa ilang selyadong plastic bags.

Idineklarang “dog food at kitten food” ang nasabing shipment.

Bukod dito, kasama ding kinumpiska sa operasyon ang ilang cellular phones at iba’t ibang identification cards ng mga drug personality.

Kinilala ang mga inaresto na sina Robert Trebi Simon Cabanatuan City, Nueva Ecija; Mark Bryan Gamba ng Tondo, Manila; Fabio Dalvanos ng Parañaque City; at Sherill Gamba ng Sta. Maria St. Tondo, Manila. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us