Nasa 21 mga biyahe ang kinansela simula kaninang alas 6 ng umaga matapos itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga ilang bayan at lungsod sa northern Cebu dahil sa bagyong Aghon.
Ayon sa mga abiso ng iba’t ibang shipping lines at ng Cebu Port Authority (CPA), karamihan ng mga kanseladong biyahe ay papuntang Southern Leyte, Leyte, Samar, Masbate at sa mga isla ng Bantayan at Camotes sa Cebu.
Nakapagtala naman ang CPA ng nasa 332 mga stranded passengers, as of 9am ngayong araw, sa pantalan ng San Remigio sa Cebu.
Sa tulong ng lokal na pamahalaan doon, temporaryo muna silang sumilong sa San Remigio Sports Complex.
Sa kabuoan, nasa 671 ang kabuoang dami ng pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan sa Central Visayas, ayon sa tala naman ng Phil. Coast Guard District Central Visayas. | Carmel Matus-Pedroza. | ulat ni Carmel Matus | RP1 Cebu