House Committee on Ethics, dedesisyunan na ngayong araw ang reklamo kay Rep. Pantaleon Alvarez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayong araw ay tatapusin na ng House Committee on Ethics and Privileges ang pagtalakay sa reklamo na inihain ni Tagum Mayor Rey Uy at iba pa, laban kay Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Jil Bongalon, vice-chair ng Komite dedesisyunan nila kung ano ang parusang ipapataw sa kasamahang mambabatas dahil sa ‘disorderly behavior’.

Naging mabilis ani Bongalon ang kanilang pagdinig sa reklamo dahil nakikipagtulungan naman ang kampo ni Alvarez at dumadalo rin sa kanilang mga pulong.

Nag-ugat ang reklamo ni Uy kay Alvarez dahil sa sinasabing libelous remarks ng mambabatas laban sa mga kapwa opisyal sa gobyerno at ang umano’y seditious remarks matapos himukin ang Military at Kapulisan sa isang rally na tumiwalag sa gobyerno.

Pero ayon kay Bongalon, idinipensa ng kampo ni Alvarez na bahagi ito ng freedom of speech.

Nagsisilbing legal counsel ni Alvarez si dating Majority Leader Rudy Fariñas.

Oras na matapos ng Ethics Committee ang Committee Report ay iaakyat ito sa Committee on Rules upang i-schedule ang pagsalang sa plenaryo.

Kabilang sa mga maaaring ipataw na parusa ang admonition, reprimand, censure, suspension na hindi hihigit sa 60 araw, expulsion, at iba pang parusa na maaaring mapagkasunduan ng komite. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us