House Committee on Ethics, tuloy na ang imbestigasyon sa inihaing reklamo laban kay Rep. Alvarez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iimbestigahan na ng House Committee on Ethics ang reklamo kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Matapos ang preliminary hearing ng komite ngayong araw, sinabi ni COOP-NATCO Party-list Rep. Felimon Espares, sa tatlong reklamong inihain ni Tagum Mayor Rey Uy laban kay Alvarez, ang tanging didinggin lang nila ay ang may kaugnayan sa disorderly behavior.

Ito ay bunsod ng mga naging pahayag umano ni Alvarez sa isang rally sa Tagum City.

Sabi ni Espares, hindi na nila isinama ang reklamo ukol sa absences ng kasamahang mambabatas dahil wala namang matibay na ebidensya.

Sa susunod na Lunes, May 20, muling magpupulong ang komite para talakayin ang merito at ebidensya na ihaharap ng mga nagreklamo gayundin ay ang depensa ni Alvarez.

Hindi pa naman masabi ni Espares kung matatapos nila ang pagdinig bago ang sine die adjournment. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us