Binigyang diin ni Deputy Speaker David ‘JayJay” Suarez na “real issue” ang kahirapan sa bansa, salungat sa naging pahayag ni Presidential Adviser on Poverty Larry Gadon na haka-haka lang o isang espekulasyon lamang ito.
Sa daily press conference sa Kamara sinabi ni Suarez, kaya nagsisikap ang gobyerno sa mga programa upang makatulong sa mahihirap at “near poor” na mga minimum wage earners.
Inihalibawa ng mambabatas ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na makakatulong upang maibsan ang hirap sa buhay ng ating ilang kababayan.
Naniniwala rin ang Quezon Solon, na marami nang nagawa ang administrasyong Marcos Jr. para paghusayin ang buhay ng mga Pilipino.
Ayon naman kay Bukidnon 2nd District Representative Jonathan Keith Flores, patuloy na ginagawa ng House of Representatives ang “house inquiries” upang tugunan ang issue ng kahirapan sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes