Muling pinaigting ng mga kongresista ang kanilang apila sa Senado na ipasa ang amienda sa Rice Tarrification Law (RTL) upang tulungan ang mga rice farmers at gawing mura ang bigas para sa mahihirap na pamilya.
Sa daily press conference sa Kamara, nanawagan si Assistant Majority Leader and Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Angela “Mika” Suansing sa mga Senado na agad na ipasa ang napakaimportanteng hakbang upang mabigyan ng access ang mga mahihirap na pamilya sa murang bigas at matulungan ang mga magsasaka na maibaba ang cost of production.
Ang House Bill 10381 o panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law at inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara at inaasahang maipapasa sa third reading sa susunod na linggo.
Diin ni Suansing na isa sa pangunahing may akda ng HB, layon ng substitute bill para amiendahahan ang limang taon nang RTL na paghusain ang competitiveness at resilience ng rice industry.
Samantala, nakiisa din sa panawagan si Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman sa mga senado particular kay Senadora Cynthia Villar na kontra sa RTL na bigyan pagkakataon ito bilang legasiya sa mga magsasaka.| ulat ni Melany V. Reyes