Personal na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang groundbreaking ceremony ng P400-M multi-purpose building sa Barangay Dela Paz, bayan ng Daraga, Albay.
Ilan pa sa mga dumalo ay sina House Appropriations panel chairman Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, Albay Rep. Joey Salceda, Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon, Engr. Warren Azotea ng Department of Public Works and Highways-Albay 2nd Engineering District Office, Daraga Mayor Carlwyn Baldo, at iba pang public officials
Ayon kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo, tinatayang nasa 6,000 sqm ang floor area ng nasabing proyekto na may 10,000 lot area at may seating capacity na aabot sa 3,600. Aniya, ang one-storey multi-purpose training at instructional facility ay magsisilbing venue para sa mga pagpupulong, conferences, educational at sports activities para sa mga residente ng nasabing bayan.
Ayon naman kay Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon, ang nasabing proyekto ay may P75-million budget para sa Phase 1 mula sa General Appropriations Act para sa fiscal year 2023, P175 million para sa Phase 2 mula sa GAA para sa fiscal year 2024., at P150 million para sa completion phase mula sa fiscal year 2025.
Sa mensahe ni House Speaker Romualdez, ang pagpapatayo ng nasabing proyekto ay bunga ng pagkakaisa ng mga bicolano. Diin niya, kasabay ito sa hinahangad ni Pangulong Ferdinand Marcos na sama-samang pagbangon.
Nakatakdang matapos ang konstruksyon ng nasabing proyekto sa taong 2025.
Samantala, binisita rin ni House Speaker Romualdez ang ginagawang 10 palapag na Legacy Building sa loob ng Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) sa Daraga, Albay. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay
📷Daraga PIO