Pinatitiyak ni House Speaker Martin Romualdez sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na makamit nito ang “target” na koleksyon ng buwis ngayong taon.
Ito aniya ay upang masigurong mapopodohan at makukumpleto ang iba’t ibang programa at proyekto ng administrasyong Marcos Jr.
Paalala ng House leader na “lifeblood” ng gobyerno ang buwis at mahalaga sa pagpapalago ng ating ekonomiya.
Tinukoy nito na nasa 1.7% lamang ang government final expendicture growht sa unang quarter ng 2024.
“Government final expenditure grew by only 1.7 percent during the first quarter, so I’m hoping that the BIR will be able to collect more in the second quarter so government spending can also catch up. We need to fund both programmed spending and as much of the unprogrammed appropriations as possible to meet our growth targets this year,” ani Romualdez.
Kasabay ito ay ipinaabot ni Romualdez ang papuri sa naitalang 17% year-on-year na pagtaas sa koleksyon ng BIR ngayong 2024.
Umaasa naman ang House Speaker na makatulong sa pagkamit ng revenue targets ang pinagtibay nilang batas na Ease of Paying Taxes, kung saan ginawang “digitalized” ang mga transaksyon ng BIR at mahimok ang publiko na boluntaryong magbayad ng buwis lalo’t ginawa nang simple, mas madali at libre ang proseso.| ulat ni Kathleen Forbes