Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Batay sa March SWS survey, lumalabas na nasa 12.6% na mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.
Mas mataas ito ng 1.6 puntos mula sa hunger rate noong Disyembre ng 2023
Lumalabas sa survey na pinakamaraming nakaranas ng gutom ay mula pa rin sa mga pamilya sa Metro Manila na nasa 19%.
Gayunman, bumaba naman ang hunger rate sa Mindanao sa 8.7% mula sa 12% noong Disyembre.
Isinagawa ang survey mula March 21-25 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 indibidwal na may edad 18 pataas. | ulat ni Merry Ann Bastasa