Hybrid-digital payout para sa AICS, itutulak na ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa layuning maitaguyod ang digitalisasyon, sisimulan na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng hybrid-digital payouts para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ito ay sa bisa ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng DSWD katuwang ang Land Bank of the Philippines (LBP).

Pinangunahan ni Secretary Rex Gatchalian at LBP President Lynette Ortiz at Vice President Atty. Nikolas Tolentino ang paglagda sa kasunduan.

Nakapaloob rito ang pagbuo ng isang hybrid digital payout system para sa mas mabilis at epektibong pamamahagi ng financial assistance sa mga benepisyaryo ng AICS.

Ayon sa DSWD, target nitong simulan ang pilot implementation ng hybrid-digital payouts sa ilang piling rehiyon kabilang ang Regions II (Cagayan), III (Central Luzon), IV-A (CALABARZON), at National Capital Region (NCR).

Ang AICS ay isa lang sa mga programa ng DSWD na layong makatulong sa mga nangangailangan at nahaharap sa krisis sa pamamagitan ng pagbibigay ng suportang medikal, funeral, transportation, at pagpapalibing. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us