Iba pang mga kumpanya ng langis, naglabas ng presyo sa produktong petrolyo sa inaasahang rollback bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ang iba pang mga kumpanya ng langis ng presyo hinggil sa inaasahang rollback bukas May 7, 2024.

Kabilang sa mga kumpanyang ito ang Caltex, PTT Philippines, Jetti, Petron, at Uni Oil na magpapatupad ng rollback sa presyo bukas ng alas-6 ng umaga.

Kung saan may bawas na P0.75 sa kada litro ng gasolina habang P0.90 naman sa diesel, at P1.05 sa kada litro ng kerosene.

Samantala sa hiwalay na advisory, bababa rin ng P0.75 ang singil sa auto LPG ng kumpanyang Clean Fuel.

Ang oil price rollback ay bunsod ng expected na ceasefire sa Gaza at ang reduction sa US interest rate. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us