Walang patid pa rin ang pagpaaabot ng tulong ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) sa mga apektado ng El Niño.
Sa Bicol region, nasa 1,000 family food packs (FFPs) ang ipinamahagi ng DSWD sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng matinding tagtuyot sa Barangay Duran sa Balatan, Camarines Sur.
Laman ng bawat FFPs ang 6 kilograms ng bigas, 10 canned goods, 5 coffee sachets, at 5 sachets ng cereal drink.
Una rito, naghatid na rin ang Bicol Field Office ng food packs sa 500 magsasaka sa Barangay Poblacion sa Ragay, Camarines Sur.
Habang patuloy pa ang koordinasyon nito sa mga LGU para sa mga pamilyang apektado ng El Niño na nangangailangan ng karagdagang tulong sa gobyerno. | ulat ni Merry Ann Bastasa