Kinumpirma ng pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange na karamihan sa mga kanseladong biyahe ng bus dahil sa Bagyong Aghon ay balik operasyon na ngayong araw.
Ayon sa inilabas na listahan ng PITX, ang rutang San Jose, Mindoro ng Ceres bus company kaninang umaga ay nakabalik na sa operasyon habang ang biyahe nito mamayang 1:30 ng hapon at 5:00 ng hapon ay hindi inaanunsyo.
Ang natitirang biyahe ng OM transport papuntang San Jose, Mindoro mamayang hapon ay pawang balik operasyon na rin.
Nakabiyahe na rin ang Ceres bus na papuntang Iloilo City kaninang 10:00 ng umaga.
Habang karamihan naman ng RoRo bus papuntang San Jose, Mindoro ay balik operasyon na maliban na lang sa biyaheng 2:00 ng hapon at 6:00 ng gabi na pawang nag-aantay pa ng anunsyo.
Ang RoRo bus naman na biyaheng Masbate ay balik operasyon na rin ngayong araw..
Matatandaang nakansela ang ilang biyahe ng bus sa PITX dahil na rin sa hagupit ng Bagyong Aghon sa mga destinasyon o mga dadaanang lugar ng mga nasabing pampasaherong bus. | ulat ni Lorenz Tanjoco